CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Feature Article

Pormal na ibinigay sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron, netong araw, Hunyo 21, 2021, ang limang (5) unit ng Bajaj RE FI Tri wheeler Vehicle na nagkakahalaga ng 900,805.00 at sampung (10) unit ng Panasonic Air conditioner 1HP na nagkakahalaga ng 200,000.00. Sinaksihan ang turn over ceremony nina City Administrator Atty. Arnel M. Pedrosa, Assistant City Administrator Carlos G.

MGA KOLEKSIYON NG 2019, POSITIBO AT LUMAMPAS SA NILALAYON!

Mahigit sa 100% lampas sa nilalayong koleksyon mula sa mga buwis, butaw, bayarin at pang-ekonomikong pinagkakitaan ng pamahalaang lungsod sa taong 2019.

Opisyal na sinimulan ang selebrasyon ng Nutrition Month sa lungsod nitong Hulyo a-dos sa pamamagitan ng isang programa sa New City Hall Complex

 

Sa mensahe ni Mayor Lucilo Bayron sa harap ng mga Barangay Nutrition Scholars, empleyado ng Pamahalaang Lungsod, 4P’s beneficiaries, mga miyembro ng City Council at mga barangay kapaitan at opisyales nito, nais ng alkalde na turuan ang mga nanay ng tamang paghahanda ng sapat at masustansiyang pagkain upang mabawasan ang bilang ng malnourish sa lungsod.

 

25 miyembro ng Babuyan Seaweed Planters Association ang tumanggap ng sertipiko ng mga gantimpalang kagamitan mula sa Grassroot Participatory Budgeting-Bottoms up Budgeting (GPB-BUB) Seaweeds Farming Project nitong ika-16 ng Hulyo.

 

Ito ay proyekto ng Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) MIMAROPA kaagapay ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.

 

Binibigyang pagkakataon ng Pamahalaang Lungsod ang mga may-ari ng mga ari-ariang di-natitinag na makapagbayad ng karampatang buwis para sa taong 2018 ng may diskwento.  Kung ang kabuuang halaga ay mabayaran sa loob ng ikatlong kwarter ng taon, may  ibibigay na 2.5% kabawasan at  2% naman ang pataw na multa sa bawat buwan nang pagkahuli sa  pagbabayad.

 

Napili ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Department of Science and Technology) na maging “pilot area” ang Puerto Princesa para sa programang hinggil sa ligtas na pagkain. Ito ay  pagtalima sa Food Safety Act of the Philippines (RA 10611).  P1.3M ang inilaang nilang pondo para sa pagpapatupad nito kapag nalagdaan ang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng kagawaran.

 

Muling napatunayan ng mga plus-size women na chubby is the new sexy sa gabi ng koronasyon ng Binibining Sexsi 2018 noong March 2, 2018 sa City Coliseum.

Sa ikalawang taon ng Binibining Sexsi, muling nilalayon ng patimpalak na mabigyan ng pagkakataon ang mga dalagang chubby na maipakita ang kanilang talento at talino. Mapatunayang higit sa timbang ay mayroong taglay na galing at kakayahan na madalas ay hindi nakikita dahilan may binibigyang pansin ang timbang. Isang paraan ito maalis ang diskriminasyon sa mga plus size na kababaehan.