HOSPITAL WASTE TREATMENT PLANT, ITATAYO SA PUERTO PRINCESA
March 01, 2010 3:20 pm
-Amie H. Bonales



Gaganapin ang isang groundbreaking ceremony sa Marso 4, 2010 para sa proyekto ng pamahalang panglungsod ng Puerto Princesa na Medical Waste Treatment Plant kaagapay ang Pollution Abatement Systems Specialist Incorporation (PASSI). Itatayo ito sa Sanitary Landfill Area sa Sta. Lourdes kung saan ang aktibidad ay pangungunahan ito ni Mayor Edward S. Hagedorn at Julito T. Pugoy President eng PASSI.
Ayon sa kasunduang nilagdaan ng dalawang panig, magbibigay ang pamahalaang lokal ng 1,000 metro kuwadradong lupain na siyang pagtatayuan ng planta. Tutulong din ito sa pagbibigay ng mga kinakailangan impormasyon para sa ilang teknikal na pagpaplano. Kailangan din ang paggagawa ng ordinansang may kinalaman sa tamang koleksiyon at pagtapon ng mga basurang mula sa mga ospital , punerarya at mga lugar paanakan.
Responsibilidad naman ng PASSI ang pagbibigay ng teknolohiya, kagamitan, kemikal at ang pangkalahatang konseptong may kinalaman sa proyekto. Sila rin ang mangongolekta, mag-iimbak ng mga basura na dapat munang gamutin upang makasiguro na wala na itong delikadong bakterya bago itapon sa Landfill .
Nakasaad din sa kasunduan na makakatanggap ng 10% bahagi ang pamahalaang panlungsod sa neto ng kikitain ng planta galling sa bayad ng mga hospital waste ng mga medical related services provider na mula sa Puerto Princesa at sa mga karatig munisipyo sa lalawigan.


Home | View Archive | Print this article