CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Articles Archives

Other Articles

  • Napili ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Department of Science and Technology) na maging “pilot area” ang Puerto Princesa para sa programang hinggil sa ligtas na pagkain. Ito ay  pagtalima sa Food Safety Act of the Philippines (RA 10611).  P1.3M ang inilaang nilang pondo para sa pagpapatupad nito kapag nalagdaan ang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng kagawaran.

     

  • Muling napatunayan ng mga plus-size women na chubby is the new sexy sa gabi ng koronasyon ng Binibining Sexsi 2018 noong March 2, 2018 sa City Coliseum.

  • Positibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang Honda Bay batay sa inilabas na Shellfish Advisory no. 42 at shellfish bulletin no. 40 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon Disyembre 5.  Umabot sa 72.03 µgSTXeq/100g toxic level sa shellfish meat na nakolekta sa Honda Bay.

     

  • Ligtas ng kainin ang shellfish at mga lamang dagat na makukuha sa Puerto Princesa Bay, matapos na ibaba ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang shellfish ban dahilan sa red tide.

     

  • “Kindness, yon ang malasakit para sa akin, kung may pagkakataong makapagbigay ng malasakit sa kliyente, gawin natin, wag na tayong mag-contribute sa problema sa ating opisina” ito ang buod ng mensahe ni Mayor Lucilo R. Bayron sa pagbubukas ng ika-117th taong pagdiriwang ng Buwan ng Serbisyo Sibil sa lungsod nitong Setyembre a-uno sa Puerto Princesa City Coliseum.

  • Sampu sa labindalawang tituladong lote ang naibenta ng Pamahalaang Lungsod sa pampublikong Auction Sale na isinagawa sa Atrium ng bagong pampahalaang gusali ng Puerto Princesa noong Hulyo 28, 2017.  Kinabibilangan ito ng mga lupain sa barangay Bacungan, Bancao-Bancao, San Jose, San Miguel, Sta. Loudes, Sicsican at San Manuel.  

  • “Maganda at mapagpalang umaga! Pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa”  ang naging pagbati ni Mayor Lucilo R. Bayron sa mga mamayan ng lungsod sa naging matagumpay na kauna-unahan at  makasaysayang Balayong tree planting festival na ginanap noong Sabado, Hulyo 29,2017 sa Ramon V. Mitra Sports Complex.
  • Hinikayat ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron ang mga kawani ng gobyerno na makiisa sa gaganaping Balayong Tree Planting Festival sa Balayong Park sa darating na Hulyo 29, alas-sais ng umaga.

     

  • Magiging panauhing tagapagsalita si Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron sa pagbubukas ng Palawan Rugby Festival sa darating na ika 22-23 ng Hulyo sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

     

  • “Maganda na magkasama tayo sa trabaho para sa ating lungsod,” ito ang tinuran ni Mayor Lucilo R. Bayron sa naging pag-uusap nila ni Atty. Rocky Austria ng hikayatin ng una na maging kasama nito sa pagpapatupad ng programang pang sports ng Pamahalaang Lungsod.

     

Pages