Mga opisyales ng barangay sa Puerto Princesa sasanayin sa pag-akda ng mga ordinansa at resolusyon

Printer-friendly versionPDF version

 

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Peb. 14 (PIA) --- Nagkaisa ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod na bigyan ng pagsasanay ang mga opisyales ng barangay na gumagawa ng resolusyon at ordinansa upang mas mapabilis ang pag-apruba sa mga ito.

 

Layunin ng pagsasanay na maturuan at matulungan ang mga opisyales na mapaganda ang kanilang mga panukalang batas, ayon kay Konsehal Luis Marcaida III. Nais din ng konseho ng lungsod na magabayan ang mga ito sa tamang pagbuo ng mga ninanais nilang ipatupad na batas upang hindi na laging dumedepende ang konseho sa opinyon ng legal office sa pag-apruba ng mga iniaakdang batas ng barangay.

 

Nabuo ang hakbanging ito ng konseho matapos na matalakay sa sesyon ang mga ipinasang ordinansa ng ilang barangay sa lungsod na ipinabalik ng City Legal Office dahil labas ito sa limitasyon o kapangyarihan ng mga barangay sa itinatakda ng batas.

 

Nagkasundo ang lahat ng konsehal ng lungsod na magbigay ng kaukulang pondo para maisakatuparan ang isasagawang pagsasanay at mabigyan ng kanilang serbisyo at kasanayan ang mga opisyales ng barangay.

 

Alinsunod sa batas, dapat ang konseho ang siyang umaakto sa mga ipinapasang batas ng mga barangay ayon kay Konsehal Vicky de Guzman. (OCJ/PIA4B)

By Orlan C. Jabagat

Article Type: 

Categories: 

Featured: 

Unfeatured

Tags: 

From The Gallery

 

Invitation To Bid

1st Quarter Invitation To Bid Part 1
Concreting of Tiniguiban Distributor Rd
Const. of 2-Storey 6-CL Sch Bldg
Concreting of Kamuning Feeder Rd
Repair of City Health Building

1st Quarter Invitation To Bid Part 2
Concreting/Completion of various Streets & Roads
Concreting of Aplaya Road
Construction of Binduyan Road
Concreting of Roxas Road Ext.

1st Quarter Invitation To Bid Part 3
Intermittent Portion of Socrates Rd
Concreting of Delos Reyes Rd I & II
Concreting of Old Buncag Rd